19 Oktubre 2024 - 07:14
Sinabi ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran: Ang Prente ng Paglaban ay hindi titigil kahit pa na-martir na si Sinwar/Ang Hamas ay palaging mananatiling buhay

Isang mahalagang mensahe hinarap sa mga bansang Muslim at sa masigasig na kabataan ng rehiyon, ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran ay nagbigay-diin: "Ang larangan ng paglaban ay hindi huminto sa pagsulong kasama ang pagkamartir ng mga prominente nito noon pa, hindi ito titigil na-martir ang isang Pinuno nito, kagaya ni Sinwar, kung ipag-kaloob ng Diyos." Ang Hamas ay palaging mananatiling buhay.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Pinuno ng Rebolusyong Islamiko, si Ayatollah Khamenei, sa isang mensahe na hinarap sa mga bansang Muslim at masigasig na kabataan ng rehiyon, pinarangalan ng Kataasa-taasang Pinuno ng Islamikong Reolusyon ng Iran, ang magiting at bayaning Mujahid Kumander, na si "Yahi al-Sinwar " at binigyang-diin niya: "Ang paglaban sa harap, tulad ng dati, sa pagkamartir ng mga pinuno nito mula sa pag-unlad ay hindi huminto, kahit na sa pagkamartir pa ni Sinwar, hindi ito titigil kahit kaunti, sa kalooban ng Diyos. Ang Hamas ay palaging mananatiling buhay buhay.

Ang kabuuan teksto ng mensahe ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran ay sa mga sumusunod:


Sa ngalan ng Allah, ang Lubos na Maawain at ang Lubos na Mahabagin

Mga bansang Muslim! at masigasig na kabataan ng rehiyon!


Ang Magiting na Mujahid at ang Bayaning Kumander Shaheed Yahya al-Sinwar, ay sumama sa kanyang mga kasamahan martir. Siya ang nagniningning mukha ng mga mandirigmang paglaban at pakikibaka laban sa kanyang mga zionistang kaaway; Siya ay nanindigan laban sa malupit at agresibong kaaway na may matibay na determinasyon; Sinampal niya ito ng taktika at katapangan; Naalala niya ang hindi na mababawi na dagok noong Oktubre 7 sa kasaysayan ng rehiyong ito; At pagkatapos ay pumanaw siya nang may karangalan at pagmamalaki sa babalik sa kanyang Paninooong Diyos na Makapangyarihan, bilang isa sa mga mandirigmang martir.

Ang isang tao kaseng tulad niya, na ginugol ang kanyang buhay sa pakikipaglaban sa kanyang mang-aagaw na kalaban at malupit na mga kaaway, ay walang katapusan maliban sa kanyang karapatdapat na martir. Ang kanyang pagkawala ay siyempre masakit para sa larangan ng mga mandirigmang paglaban, ngunit ang labanang ito ay hindi huminto sa pagsulong kasama ang pagkamartir ng mga kilalang mga matataas na tao tulad nina Sheikh Ahmed Yassin, Fathi Shaghaghi, Rentisi at si martir Ismail Haniyeh, at hindi ito titigil kahit kaunti sa pagkamartir ni Sinwar, sa kapayagan ng Diyos. Ang Hamas ay palaging  mananatiling buhay.

Gaya ng dati, mananatili kaming sa mga mujahid at tapat kami sa pakiki-baka at pandirigma sa aking swerte at tulong ng Diyos.

Binabati ko ang pagkamartir ng aming magiting at marangal na bayaning kapatid, na si Yahya Al-Sanwar, sa kanyang mga pamilya, kanyang mga kasama, at lahat ng mga mahal sa buhay sa Jihadi Fiy Sabil Allah, at inaalay ko ang aking pakikiramay sa kanyang pagkawalang pagpanaw, bilang isang bayani, katapangan at magiting na Mandirigmang Kumander ng mga Islamiko at Palestinong Mujahid.

At ang kapayapaan ay mapasa sa mga matuwid na mga lingkod ng Diyos na Makapangyarihan..


Seyyed Ali Khamenei

28 | Mehr | 1403

19 | Oktubre | 2024

15 | Rabi-ul-Thani | 1446

.................

328